Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:59

وَمَا مَنَعَنَا أَنْ نُرْسِلَ بِالْآيَاتِ إِلَّا أَنْ كَذَّبَ بِهَا الْأَوَّلُونَ ۚ وَآتَيْنَا ثَمُودَ النَّاقَةَ مُبْصِرَةً فَظَلَمُوا بِهَا ۚ وَمَا نُرْسِلُ بِالْآيَاتِ إِلَّا تَخْوِيفًا

Walang pumigil sa Amin na magsugo Kami ng mga tanda malibang nagpasinungaling sa mga ito ang mga sinauna. Nagbigay Kami sa [lipi ng] Thamūd ng dumalagang kamelyo bilang isang [himalang] nakikita ngunit lumabag sila sa katarungan dito. Hindi Kami nagsusugo ng mga tanda kundi bilang isang pagpapangamba.

Tafsir

Hindi Kami huminto sa pagpapababa ng mga palatandaang pisikal na nagpapatunay sa katapatan ng Sugo, na hiniling ng mga tagapagtambal gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at mga tulad nito, malibang dahil Kami ay nagpababa ng mga ito sa mga kalipunang nauna ngunit nagpasinungaling sila sa mga ito. Nagbigay nga Kami sa [lipi ng] Thamūd ng isang dakilang tandang maliwanag, ang dumalagang kamelyo, ngunit tumanggi silang sumampalataya rito kaya minadali Namin sila sa pagdurusa. Hindi Kami nagpapadala ng mga tanda sa mga kamay ng mga sugo kundi bilang pagpapangamba sa mga kalipunan nila nang sa gayon sila ay magpapasakop.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah