Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:104

وَقُلْنَا مِنْ بَعْدِهِ لِبَنِي إِسْرَائِيلَ اسْكُنُوا الْأَرْضَ فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ الْآخِرَةِ جِئْنَا بِكُمْ لَفِيفًا

Nagsabi Kami matapos niya sa mga angkan ni Israel: "Tumahan kayo sa lupain at kapag dumating ang pangako ng Kabilang-buhay, magdadala Kami sa inyo nang magkahalo."

Tafsir

Nagsabi Kami, noong matapos ng pagpapahamak kay Paraon at sa mga hukbo niya, sa mga anak ni Israel: "Tumahan kayo sa lupain ng Sirya saka kapag nangyari ang Araw ng Pagbangon, maghahatid Kami sa inyo sa kalahatan patungo sa Pinagkakalapan para sa pagtutuos."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah