Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:103
فَأَرَادَ أَنْ يَسْتَفِزَّهُمْ مِنَ الْأَرْضِ فَأَغْرَقْنَاهُ وَمَنْ مَعَهُ جَمِيعًا
Kaya nagnais siyang manulsol sa kanila paalis sa lupain, kaya nilunod Namin siya at sinumang kasabay niya nang magkasama.
Tafsir
Kaya nagnais si Paraon na magparusa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga tao niya sa pamamagitan ng pagpapalabas sa kanila mula sa Ehipto, kaya nagpahamak Kami kay Paraon at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga hukbo Niya sa kalahatan sa pamamagitan ng pagkalunod.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah