Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:102

قَالَ لَقَدْ عَلِمْتَ مَا أَنْزَلَ هَٰؤُلَاءِ إِلَّا رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ بَصَائِرَ وَإِنِّي لَأَظُنُّكَ يَا فِرْعَوْنُ مَثْبُورًا

Nagsabi siya: "Talaga ngang nalaman mong walang nagpababa sa mga ito kundi ang Panginoon ng mga langit at lupa bilang mga katunayan. Tunay na ako ay talagang nakatitiyak na ikaw, O Paraon, ay napaririwara."

Tafsir

Nagsabi si Moises bilang tugon kay Paraon: "Talaga ngang natiyak mo, O Paraon, na walang nagpababa sa mga tandang ito kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa. Nagpababa Siya sa mga ito bilang mga pagpapatunay sa kakayahan Niya at sa katapatan ng Sugo Niya subalit ikaw ay tumanggi. Tunay na ako ay talagang nakaaalam na ikaw, O Paraon, ay napapahamak na lugi."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah