Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:101

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَىٰ تِسْعَ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۖ فَاسْأَلْ بَنِي إِسْرَائِيلَ إِذْ جَاءَهُمْ فَقَالَ لَهُ فِرْعَوْنُ إِنِّي لَأَظُنُّكَ يَا مُوسَىٰ مَسْحُورًا

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na tandang malinaw, kaya magtanong ka sa mga angkan ni Israel noong dumating siya sa kanila at nagsabi naman sa kanya si Paraon: "Tunay na ako ay nagpapalagay sa iyo, O Moises, na nagaway."

Tafsir

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na patunay na maliwanag na sumasaksi para sa kanya. Ang mga ito ay ang tungkod, ang [puting] kamay, ang mga taon [ng tagtuyot], ang kakulangan ng mga bunga, ang baha, ang mga balang, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo. Kaya magtanong ka, O Sugo, sa mga Hudyo nang naghatid si Moises sa mga ninuno nila ng mga tandang iyon saka nagsabi sa kanya si Paraon: "Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay isang lalaking nagaway dahil sa inilahad mo na mga kataka-taka."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah