Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:105

وَبِالْحَقِّ أَنْزَلْنَاهُ وَبِالْحَقِّ نَزَلَ ۗ وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا

Kalakip ng katotohanan nagbaba Kami nito at kalakip ng katotohanan bumaba ito. Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang isang tagapagbalita ng nakalulugod at isang tagapagbabala.

Tafsir

Kalakip ng katotohanan nagpababa Kami ng Qur'ān na ito kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at kalakip ng katotohanan bumaba ito sa kanya nang walang pagpapalit at walang paglilihis. Hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, kundi bilang tagapagbalita ng nakalulugod hinggil sa Paraiso sa mga alagad ng pangingilag sa pagkakasala at bilang tagapagpangamba sa Impiyerno sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah