Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:1

سُبْحَانَ الَّذِي أَسْرَىٰ بِعَبْدِهِ لَيْلًا مِنَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ إِلَى الْمَسْجِدِ الْأَقْصَى الَّذِي بَارَكْنَا حَوْلَهُ لِنُرِيَهُ مِنْ آيَاتِنَا ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ

Napakamaluwalhati Niya na nagdala sa lingkod Niya, isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] patungo sa Masjid Al-Aqsa [sa Herusalem], na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.

Tafsir

Nagpawalang-kapintasan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at nagpakadakila Siya dahil sa kakayahan Niya sa anumang hindi nakakaya ng isang iba pa sa Kanya. Si Allāh ang nagpalakbay sa Lingkod Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa kaluluwa at katawan habang gising sa isang bahagi ng gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] patungo sa Masjid ng Jerusalem, na pinagpala Niya ang palibot nito sa pamamagitan ng mga bunga at mga pananim at mga tahanan ng mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – upang makita niya ang ilan sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Madinigin kaya walang nakakukubli sa Kanya na isang naririnig, ang Nakakikita kaya walang nakakukubli sa Kanya na isang nakikita.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah