Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:128

إِنَّ اللَّهَ مَعَ الَّذِينَ اتَّقَوْا وَالَّذِينَ هُمْ مُحْسِنُونَ

Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala at ng mga nagmamagandang-gawa.

Tafsir

Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala sa pamamagitan ng pag-iwan sa mga pagsuway at ng mga gumagawa ng maganda sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagtalima at pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya sapagkat Siya ay kasama sa kanila sa pag-aadya at pagsuporta.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah