Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:2

وَآتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَجَعَلْنَاهُ هُدًى لِبَنِي إِسْرَائِيلَ أَلَّا تَتَّخِذُوا مِنْ دُونِي وَكِيلًا

Nagbigay Kami kay Moises ng aklat at ginawa Namin ito na isang patnubay para sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos:] "Huwag kayong gumawa ng iba pa sa Akin bilang isang pinananaligan."

Tafsir

Nagbigay Kami kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng Torah at gumawa Kami niyon bilang tagapatnubay at bilang tagagabay para sa mga anak ni Israel. Nagsabi Kami sa mga anak ni Israel: "Huwag kayong gumawa ng iba pa sa Akin bilang pinananaligang ipinagkakatiwala ninyo roon ang mga nauukol sa inyo, bagkus manalig kayo sa Akin lamang."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah