Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:93
وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَلَتُسْأَلُنَّ عَمَّا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang ginawa Niya kayo na kalipunang nag-iisa, subalit nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya. Talagang tatanungin nga kayo tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa.
Tafsir
Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo bilang kalipunang nag-iisa, na mga nagkakasundo sa katotohanan. Subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagbigo rito sa katotohanan at sa pagtupad sa mga kasunduan ayon sa katarungan Niya, at nagtutuon para roon sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Talagang tatanungin nga kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah