Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:94
وَلَا تَتَّخِذُوا أَيْمَانَكُمْ دَخَلًا بَيْنَكُمْ فَتَزِلَّ قَدَمٌ بَعْدَ ثُبُوتِهَا وَتَذُوقُوا السُّوءَ بِمَا صَدَدْتُمْ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۖ وَلَكُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Huwag kayong gumawa sa mga sinumpaan ninyo bilang isang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may matisod na paa matapos ng katatagan nito at malasap ninyo ang kasagwaan dahil sa sumagabal kayo sa landas ni Allāh at [magiging] ukol sa inyo ay isang pagdurusang sukdulan.
Tafsir
Huwag kayong magpabago sa mga sinumpaan ninyo para maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito. Sumusunod kayo dahil dito sa mga pithaya ninyo kaya kumakalas kayo sa mga sinumpaan kapag niloob ninyo at tumutupad kayo sa mga ito kapag niloob ninyo. Kaya tunay na kayo, kung gumawa kayo niyon, ay matitisod ang mga paa ninyo palayo sa landasing tuwid matapos na ang mga ito dati ay mga matatag doon. Lalasap kayo ng pagdurusa dahilan sa pagkaligaw ninyo palayo sa landas ni Allāh at pagliligaw ninyo sa iba sa inyo palayo roon. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang pinag-iibayo.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah