Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:92
وَلَا تَكُونُوا كَالَّتِي نَقَضَتْ غَزْلَهَا مِنْ بَعْدِ قُوَّةٍ أَنْكَاثًا تَتَّخِذُونَ أَيْمَانَكُمْ دَخَلًا بَيْنَكُمْ أَنْ تَكُونَ أُمَّةٌ هِيَ أَرْبَىٰ مِنْ أُمَّةٍ ۚ إِنَّمَا يَبْلُوكُمُ اللَّهُ بِهِ ۚ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ مَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ
Huwag kayong maging gaya ng [babaing] kumalas sa inikid niya, mula ng matapos ng kalakasan nito, para maging mga himaymay [dahil] gumagawa kayo sa mga sinumpaan ninyo bilang isang pandaraya sa pagitan ninyo dahil may isang kalipunang naging higit na masagana kaysa sa isang kalipunan. Sumusubok lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan nito at talagang magpapalinaw nga Siya para sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati kayo hinggil dito ay nagkakaiba-iba.
Tafsir
Huwag kayong maging mga hunghang na mga mahina ang mga isip, dahil sa pagkalas sa mga kasunduan, tulad ng isang babaing hangal na nagpagod sa pagsisinulid ng lana niya o bulak niya. Nagpahigpit siya sa pagsisinulid nito, pagkatapos nagkalas siya nito at gumawa siya rito na nakakalag gaya ng dati nito bago ng pagkasinulid nito. Kaya nagpagod siya sa pagsisinulid nito at pagkakalas nito at hindi siya nagtamo ng isang hinihiling. Nagpapabago kayo sa mga sinumpaan ninyo na maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito upang ang kalipunan ninyo ay maging higit na marami at higit na malakas kaysa sa kalipunan ng mga kaaway ninyo. Nagsusulit lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kasunduan kung tutupad kaya kayo sa mga ito o kakalas kayo sa mga ito? Talagang magpapaliwanag nga si Allāh para sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati kayo ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa tagapagtotoo sa tagapagpabula at sa tapat sa sinungaling.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah