Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:91
وَأَوْفُوا بِعَهْدِ اللَّهِ إِذَا عَاهَدْتُمْ وَلَا تَنْقُضُوا الْأَيْمَانَ بَعْدَ تَوْكِيدِهَا وَقَدْ جَعَلْتُمُ اللَّهَ عَلَيْكُمْ كَفِيلًا ۚ إِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا تَفْعَلُونَ
Tumupad kayo sa tipan kay Allāh kapag nakipagtipan kayo at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan ninyo matapos ng pagbibigay-diin sa mga ito. At talagang ginawa ninyo si Allāh na isang tagapanagot sa inyo. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo.
Tafsir
Magpatupad kayo sa bawat kasunduang nakipagkasunduan kayo kay Allāh o nakipagkasunduan kayo sa mga tao at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan matapos ng pagpapatibay sa mga ito sa pamamagitan ng panunumpa kay Allāh. Gumawa nga kayo kay Allāh bilang saksi sa inyo dahil sa pagtupad ninyo sa sinumpaan ninyo. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula rito. Gaganti Siya sa inyo rito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah