Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:72

وَاللَّهُ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَجَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ بَنِينَ وَحَفَدَةً وَرَزَقَكُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَتِ اللَّهِ هُمْ يَكْفُرُونَ

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa at gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo. Tumutustos Siya sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan ay sumasampalataya sila at sa biyaya ni Allāh sila ay tumatangging kumilala?

Tafsir

Si Allāh ay gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa lahi ninyo ng mga asawang nakapapalagayang-loob ninyo, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga anak ng mga anak, at tumustos sa inyo mula sa mga pagkain – gaya ng karne, mga butil, at mga prutas – ng kaaya-aya sa mga ito. Kaya ba sa kabulaanan na mga anito at mga diyus-diyusan ay sumasampalataya kayo at sa maraming biyaya ni Allāh na hindi ninyo nakakayang limitahan ay tumatanggi kayong kumilala at hindi kayo nagpapasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Kanya lamang?

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah