Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:73
وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَمْلِكُ لَهُمْ رِزْقًا مِنَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ شَيْئًا وَلَا يَسْتَطِيعُونَ
Sumasamba sila sa iba pa kay Allāh na hindi nakapagdudulot para sa kanila ng panustos mula sa mga langit at lupa na anuman at hindi nakakakaya.
Tafsir
Sumasamba ang mga tagapagtambal na ito bukod pa kay Allāh ng mga anitong hindi nakagagawa na tumustos sa kanila ng alinmang panustos mula sa mga langit ni mula sa lupa at hindi naisasakatuparan mula sa mga iyan na makagawa niyon, dahil ang mga iyan ay mga materyal na walang buhay at walang kaalaman.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah