Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:71

وَاللَّهُ فَضَّلَ بَعْضَكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ فِي الرِّزْقِ ۚ فَمَا الَّذِينَ فُضِّلُوا بِرَادِّي رِزْقِهِمْ عَلَىٰ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ فَهُمْ فِيهِ سَوَاءٌ ۚ أَفَبِنِعْمَةِ اللَّهِ يَجْحَدُونَ

Si Allāh ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa pagtutustos, ngunit ang mga itinangi ay hindi naglilipat ng panustos sa kanila sa mga minay-ari ng mga kanang kamay nila para sila ay maging kaugnay rito ay maging pantay. Kaya sa biyaya ni Allāh ba ay nagkakaila sila?

Tafsir

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa ipinagkaloob Niya sa inyo na panustos sapagkat ginawa Niya mula sa inyo ang mayaman at ang maralita at ang pinapanginoon at ang namamanginoon. Ngunit ang mga itinangi ni Allāh sa panustos ay hindi maglilipat ng ibinigay sa kanila ni Allāh sa mga alipin nila upang ang mga ito ay maging mga katambal nila sa pagkakapantay sa kanila sa pagmamay-ari. Kaya papaano silang nalulugod para kay Allāh na magkaroon ng mga katambal mula sa mga alipin Niya samantalang hindi sila nalulugod para sa mga sarili nila na magkaroon sila ng mga katambal mula sa mga alipin nila na papantay sa kanila? Kaya aling kawalang-katarungan ito at aling pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh ang higit na mabigat kaysa rito?

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah