Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:70

وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ ثُمَّ يَتَوَفَّاكُمْ ۚ وَمِنْكُمْ مَنْ يُرَدُّ إِلَىٰ أَرْذَلِ الْعُمُرِ لِكَيْ لَا يَعْلَمَ بَعْدَ عِلْمٍ شَيْئًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ قَدِيرٌ

Si Allāh ay lumikha sa inyo, pagkatapos ay nagpapapanaw sa inyo. Mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos ng pagkaalam, ng anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam, May-kakayahan.

Tafsir

Si Allāh ay lumikha sa inyo nang walang naunang pagkakatulad, pagkatapos nagbigay-kamatayan sa inyo sa sandali ng pagtatapos ng mga taning ninyo. Mayroon sa inyo na pinahahaba ang edad hanggang sa pinakamasagwa sa mga antas ng edad, ang pag-uulyanin, kaya hindi siya nakaaalam ng anuman mula sa mga dati niyang nalalaman. Tunay na si Allāh ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ng mga lingkod Niya, May-kakayahan na hindi napanghihina ng anuman.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah