Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:60

لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ مَثَلُ السَّوْءِ ۖ وَلِلَّهِ الْمَثَلُ الْأَعْلَىٰ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ

Taglay ng mga hindi naniniwala sa Kabilang-buhay ang katangian ng kasagwaan at taglay ni Allāh ang katangiang pinakamataas. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Tafsir

Ukol sa mga tagatangging sumampalataya na hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang katangian ng kasagwaan gaya ng pangangailangan sa anak, kamangmangan, at kawalang-pananampalataya; at ukol kay Allāh ang mga katangiang kapuri-puring pinakamataas gaya ng kapitaganan, kalubusan, kawalang-pangangailangan, at kaalaman. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Makapangyarihan sa paghahari Niya na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah