Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:59
يَتَوَارَىٰ مِنَ الْقَوْمِ مِنْ سُوءِ مَا بُشِّرَ بِهِ ۚ أَيُمْسِكُهُ عَلَىٰ هُونٍ أَمْ يَدُسُّهُ فِي التُّرَابِ ۗ أَلَا سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ
Nagtatago siya sa mga tao dahil sa sagwa ng ibinalita sa kanya. Pananatilihin ba niya ito sa pagkahamak o ibabaon niya ito sa alabok? Pansinin, kay sagwa ang ihinahatol nila!
Tafsir
Nagkukubli siya at lumiliban siya palayo sa mga kababayan niya dahil sa sagwa ng ipinabatid sa kanya na pagkapanganak ng isang babae. Kinakausap niya ang sarili niya: "Pananatilihin ba niya ang babaing anak na ito sa kabila ng kaabahan at kahapisan o ililibing niya ito nang buhay sa alabok?" Anong pangit ang inihahatol ng mga tagapagtambal yayamang humatol sila para sa Panginoon nila ng kinasusuklaman nila para sa mga sarili nila!
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah