Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:58
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُمْ بِالْأُنْثَىٰ ظَلَّ وَجْهُهُ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ
Kapag binalitaan ang isa sa kanila ng [pagkasilang ng anak na] babae, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay nalulumbay.
Tafsir
Kapag nagpabatid sa isa sa mga tagapagtambal na ito ng pagkapanganak ng isang anak na babae ay nangingitim ang mukha niya sa tindi ng pagkasuklam sa ipinabatid sa kanya at napupuno ang puso niya ng bagabag at lungkot. Pagkatapos iniuugnay niya kay Allāh ang hindi niya kinalulugdan para sa sarili niya!
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah