Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:57
وَيَجْعَلُونَ لِلَّهِ الْبَنَاتِ سُبْحَانَهُ ۙ وَلَهُمْ مَا يَشْتَهُونَ
Nagtatalaga sila para kay Allāh ng mga babaing anak – napakamaluwalhati Niya – at para sa kanila naman ang ninanasa nila.
Tafsir
Nag-uugnay ang mga tagapagtambal para kay Allāh ng mga babaing anak. Naniniwala sila na ang mga ito ay ang mga anghel saka nag-uugnay sila sa Kanya ng pagkakaroon ng anak. Pumipili sila para sa Kanya ng hindi nila naiibigan para sa mga sarili nila. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at pagkabanal-banal Siya kaysa sa itinatalaga nila para sa Kanya. Nagtatalaga sila para sa kanila ng kinikilingan ng mga sarili nila na mga anak na lalaki. Kaya aling krimen ang higit na mabigat kaysa rito?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah