Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:56
وَيَجْعَلُونَ لِمَا لَا يَعْلَمُونَ نَصِيبًا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ ۗ تَاللَّهِ لَتُسْأَلُنَّ عَمَّا كُنْتُمْ تَفْتَرُونَ
Nagtatalaga sila para sa hindi nila nalalaman ng isang bahagi mula sa itinustos Namin sa kanila. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo tungkol sa ginagawa-gawa ninyo noon.
Tafsir
Nagtatalaga ang mga tagapagtambal sa mga anito nila – na hindi nakaaalam ng anuman dahil ang mga ito ay walang-buhay, ni nagpapakinabang, ni nakapipinsala – ng isang parte mula sa mga yaman nila na itinustos Niya sa kanila, na ipinapanlapit-loob naman nila sa mga ito. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo, O mga tagapagtambal, sa Araw ng Pagbangon tungkol sa inaakala ninyo na ang mga anitong ito ay mga diyos at na may ukol sa mga ito na parte mula sa mga yaman ninyo.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah