Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:61
وَلَوْ يُؤَاخِذُ اللَّهُ النَّاسَ بِظُلْمِهِمْ مَا تَرَكَ عَلَيْهَا مِنْ دَابَّةٍ وَلَٰكِنْ يُؤَخِّرُهُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ
Kung sakaling maninisi si Allāh sa mga tao dahil sa paglabag nila sa katarungan ay hindi sana Siya nag-iwan dito ng anumang nabubuhay, subalit ipinagpapahuli Niya sila hanggang sa isang taning na itinakda. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapahuli ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna.
Tafsir
Kung sakaling magpaparusa si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga tao dahilan sa kawalang-katarungan nila at kawalang-pananampalataya nila ay hindi sana Siya nag-iwan sa lupa ng anumang tao ni hayop na gumagalaw sa mukha nito, subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nag-aantala sa kanila hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya. Kaya kapag dumating ang yugtong tinakdaang iyon sa kaalaman Niya ay hindi sila maaantala roon at hindi sila mauuna, kahit pa man isang bahagyang panahon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah