Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:84
وَقَالَ مُوسَىٰ يَا قَوْمِ إِنْ كُنْتُمْ آمَنْتُمْ بِاللَّهِ فَعَلَيْهِ تَوَكَّلُوا إِنْ كُنْتُمْ مُسْلِمِينَ
Nagsabi si Moises: "O mga tao ko, kung kayo ay sumampalataya kay Allāh, sa Kanya kayo manalig kung kayo ay magiging mga Muslim."
Tafsir
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay Allāh nang pananampalatayang totoo, sa kay Allāh lamang kayo sumandig kung kayo ay naging mga tapagapasakop sapagkat ang pananalig kay Allāh ay nagtutulak palayo sa inyo ng kasagwaan at nagdudulot para sa inyo ng kagandahan."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah