Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:83

فَمَا آمَنَ لِمُوسَىٰ إِلَّا ذُرِّيَّةٌ مِنْ قَوْمِهِ عَلَىٰ خَوْفٍ مِنْ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِمْ أَنْ يَفْتِنَهُمْ ۚ وَإِنَّ فِرْعَوْنَ لَعَالٍ فِي الْأَرْضِ وَإِنَّهُ لَمِنَ الْمُسْرِفِينَ

Ngunit walang naniwala kay Moises kundi ilang mga supling mula sa mga tao niya dala ng pangamba kina Paraon at mga maharlika ng mga ito na mang-usig sa kanila. Tunay na si Paraon ay talagang nagmamataas sa lupain, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagapagmalabis.

Tafsir

Nagpasya ang mga tao sa pag-ayaw kaya walang nagpatotoo kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa kabila ng inihatid niya na mga tandang hayag at mga katwirang maliwanag maliban sa mga kabataang kabilang sa mga tao niya, na mga anak ni Israel, sa kabila ng pangamba kina Paraon at mga malaking tao kabilang sa mga tao nito na maglihis ang mga ito sa kanila palayo sa pananampalataya nila at magpalasap ang mga ito sa kanila ng pagdurusa kung nabunyag ang kalagayan nila. Tunay na si Paraon ay talagang nagpapakamalaki na nangingibabaw sa Ehipto at mga mamamayan nito. Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga lumalampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya, pagpapatay, at pagpapahirap sa mga anak ni Israel.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah