Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:85
فَقَالُوا عَلَى اللَّهِ تَوَكَّلْنَا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا فِتْنَةً لِلْقَوْمِ الظَّالِمِينَ
Kaya nagsabi sila: "Kay Allāh ay nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga taong tagalabag ng katarungan,
Tafsir
Kaya sumagot sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nagsabi: "Kay Allāh lamang nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mong pangibabawin sa amin ang mga tagalabag sa katarungan para umusig sila sa amin dahil sa relihiyon namin sa pamamagitan ng pagpapahirap, pagpatay, at panghahalina.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah