Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:36

وَمَا يَتَّبِعُ أَكْثَرُهُمْ إِلَّا ظَنًّا ۚ إِنَّ الظَّنَّ لَا يُغْنِي مِنَ الْحَقِّ شَيْئًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِمَا يَفْعَلُونَ

Walang sinusunod ang higit na marami sa kanila kundi isang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman. Tunay na si Allāh ay Maaalam sa anumang ginagawa nila.

Tafsir

Hindi sumusunod ang karamihan sa mga tagapagtambal kundi sa bagay na walang kaalaman ukol sa kanila hinggil doon sapagkat hindi sila sumusunod kundi sa isang akala at isang pagdududa. Tunay na ang pagdududa ay hindi nakatatayo sa kinatatayuan ng katotohanan at hindi nakasasapat dito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah