Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:37
وَمَا كَانَ هَٰذَا الْقُرْآنُ أَنْ يُفْتَرَىٰ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِنْ تَصْدِيقَ الَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ وَتَفْصِيلَ الْكِتَابِ لَا رَيْبَ فِيهِ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ
Ang Qur’ān na ito ay hindi magagawa-gawa ng iba pa kay Allāh, subalit ang pagpapatotoo sa nauna rito at ang masusing pagpapaliwanag sa Kasulatan, na walang pag-aalinlangan hinggil dito mula sa Panginoon ng mga nilalang.
Tafsir
Hindi natutumpak para sa Qur’ān na ito na malikha-likha ito at maiugnay ito sa iba pa kay Allāh dahil sa di-maiiwasang kawalang-kakayahan ng mga tao sa paglalahad ng tulad nito. Bagkus ito ay isang tagapatotoo sa bumaba kabilang sa mga kasulatan bago nito, na isang tagalinaw sa binuod sa mga iyon na mga patakaran. Kaya ito ay walang duda na ito ay pinababa mula sa Panginoon ng mga nilikha – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah