Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:35
قُلْ هَلْ مِنْ شُرَكَائِكُمْ مَنْ يَهْدِي إِلَى الْحَقِّ ۚ قُلِ اللَّهُ يَهْدِي لِلْحَقِّ ۗ أَفَمَنْ يَهْدِي إِلَى الْحَقِّ أَحَقُّ أَنْ يُتَّبَعَ أَمَّنْ لَا يَهِدِّي إِلَّا أَنْ يُهْدَىٰ ۖ فَمَا لَكُمْ كَيْفَ تَحْكُمُونَ
Sabihin mo: "Kabilang ba sa mga itinatambal ninyo ang nagpapatnubay tungo sa katotohanan?" Sabihin mo: "Si Allāh ay nagpapatnubay para sa katotohanan." Kaya ang nagpapatnubay ba tungo sa katotohanan ay higit na karapat-dapat na sundin o ang hindi nagpapatnubay malibang pinapatnubayan? Kaya ano ang mayroon kayo: papaano kayong humahatol?"
Tafsir
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kabilang kaya sa gitna ng mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ang gumagabay tungo sa katotohanan?" Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh lamang ay gumagabay tungo sa katotohanan. Kaya ang gumagabay ba sa mga tao tungo sa katotohanan at nag-aanyaya sa kanila tungo rito ay higit na marapat na sundin o ang mga sinasamba ninyo na hindi napapatnubayan sa sarili ng mga ito maliban na nagpapatnubay sa mga ito ang iba pa sa mga ito? Kaya ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol ayon sa kabulaanan nang nag-angkin kayo na sila ay mga pantambal para kay Allāh? Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa sabi ninyo ayon sa kataasang malaki."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah