Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:100

وَمَا كَانَ لِنَفْسٍ أَنْ تُؤْمِنَ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَيَجْعَلُ الرِّجْسَ عَلَى الَّذِينَ لَا يَعْقِلُونَ

Hindi nangyaring ukol sa isang kaluluwa na manampalataya ito malibang ayon sa kapahintulutan ni Allāh. Inilalagay Niya ang karumihan sa mga hindi nakauunawa.

Tafsir

Hindi nararapat para sa isang kaluluwa na manampalataya ito mula sa pagkukusa ng sarili nito malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya walang nagaganap na pananampalataya malibang ayon sa kalooban Niya, kaya huwag mapahamak ang sarili mo dala ng mga panghihinayang sa kanila. Naglalagay si Allāh ng pagdurusa at kahihiyan sa mga hindi nakatatalos buhat sa Kanya ng mga katwiran Niya, mga ipinag-uutos Niya, at mga sinasaway Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah