Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:101
قُلِ انْظُرُوا مَاذَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَمَا تُغْنِي الْآيَاتُ وَالنُّذُرُ عَنْ قَوْمٍ لَا يُؤْمِنُونَ
Sabihin mo: "Pagmasdan ninyo kung ano ang nasa mga langit at lupa, ngunit walang naidudulot ang mga tanda at ang mga tagapagbabala sa mga taong hindi sumasampalataya."
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na humihiling sa iyo ng mga tanda: "Magnilay-nilay kayo kung ano ang nasa mga langit at lupa na mga tanda na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh at kakayahan Niya." Hindi nagpapakinabang ang pagpapababa ng mga tanda, mga katwiran, at mga sugo sa mga taong walang kahandaan na sumampalataya dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah