Surah 10 · Juz 11

Yunus · 10:99

وَلَوْ شَاءَ رَبُّكَ لَآمَنَ مَنْ فِي الْأَرْضِ كُلُّهُمْ جَمِيعًا ۚ أَفَأَنْتَ تُكْرِهُ النَّاسَ حَتَّىٰ يَكُونُوا مُؤْمِنِينَ

Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay talaga sanang sumampalataya ang sinumang nasa lupa sa kalahatan nila nang sama-sama. Ikaw ba ay mamimilit sa mga tao hanggang sila ay maging mga mananampalataya?

Tafsir

Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, O Sugo, ang pagsampalataya ng lahat ng sinumang nasa lupa ay talaga sanang sumampalataya sila, subalit hindi Niya niloob iyon dahil sa isang kasanhian. Siya ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Kaya hindi sa kakayahan mo ang pagpipilit sa mga tao na sila ay maging mga mananampalataya sapagkat ang pagtutuon sa kanila sa pananampalataya ay nasa kamay ni Allāh lamang.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah