Surah 76 · Juz 29
Al-Insan · 76:3
إِنَّا هَدَيْنَاهُ السَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرًا وَإِمَّا كَفُورًا
Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas bilang tagapasalamat o bilang mapagkaila sa utang na loob.
Tafsir
Tunay na Kami ay naglinaw para sa kanya, sa pamamagitan ng mga dila ng mga sugo Namin, ng daan ng kapatnubayan kaya luminaw para sa kanya dahil doon ang daan ng pagkaligaw. Kaya siya matapos niyon ay maaari na mapatnubayan tungo sa landasing tuwid para siya ay maging isang lingkod na mananampalataya na mapagpasalamat kay Allāh at maaari na maligaw palayo roon para maging isang lingkod na tagatangging sumampalataya na mapagkaila sa mga tanda ni Allāh.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah