Surah 76 · Juz 29
Al-Insan · 76:2
إِنَّا خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنْ نُطْفَةٍ أَمْشَاجٍ نَبْتَلِيهِ فَجَعَلْنَاهُ سَمِيعًا بَصِيرًا
Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo upang sumubok Kami sa kanya; at gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita.
Tafsir
Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na magkahalo sa pagitan ng likido ng lalaki at likido ng babae upang sumulit Kami sa pamamagitan ng inoobliga Namin sa kanya na mga inaatang na tungkulin, saka gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita upang magsagawa siya ng iniatang Namin sa kanya na batas.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah