Surah 7 · Juz 9

Al-A'raf · 7:96

وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْقُرَىٰ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَفَتَحْنَا عَلَيْهِمْ بَرَكَاتٍ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِنْ كَذَّبُوا فَأَخَذْنَاهُمْ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ

Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanan ay sumampalataya at nangilag magkasala, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga biyaya mula sa langit at lupa subalit nagpasinungaling sila kaya pinarusahan Namin sila dahil sa nakakamit nila noon.

Tafsir

Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanang ito na nagsugo Kami sa mga ito ng mga sugo Namin ay naniwala sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila at nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pag-iwan sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng kabutihan mula sa bawat dako. Subalit sila ay hindi naniwala at hindi nangilag magkasala, bagkus nagpasinungaling sila sa inihatid ng mga sugo nila, kaya dumaklot Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa nang bigla dahilan sa dati nilang kinakamit na mga kasalanan at mga pagkakasala.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah