Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:95
ثُمَّ بَدَّلْنَا مَكَانَ السَّيِّئَةِ الْحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَوْا وَقَالُوا قَدْ مَسَّ آبَاءَنَا الضَّرَّاءُ وَالسَّرَّاءُ فَأَخَذْنَاهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ
Pagkatapos ay nagpalit Kami sa lugar ng masagwang gawa ng magandang gawa hanggang sa lumago sila at nagsabi: "Nasaling nga ang mga magulang namin ng karalitaan at karamdaman." Kaya nagpataw Kami sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.
Tafsir
Pagkatapos nagpalit Kami [sa lagay nila] matapos ng pagpataw ng karalitaan at karamdaman, ng kabutihan, kasaganaan, at katiwasayan hanggang sa dumami ang mga bilang nila at lumago ang mga yaman nila. Nagsabi sila: "Ang tumama sa amin na kasamaan at kabutihan ay pangkalahatang nakaugaliang tumama sa mga ninuno namin noon." Hindi sila nakatalos na ang tumama sa kanila na mga salot ay ninanais rito ang pagsasaalang-alang at ang tumama sa kanila na mga biyaya ay ninanais rito ang panghahalina. Kaya dumaklot Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa nang bigla habang sila ay hindi nakararamdam ng parusa at hindi nag-aabang nito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah