Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:78
فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ
Kaya dumaklot sa kanila ang lindol at sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
Tafsir
Kaya dumating sa mga tagatangging sumampalataya ang minadali nila na pagdurusa yayamang kumuha sa kanila ang matinding lindol, saka sila ay naging mga nakabuwal na nakadikit ang mga mukha nila at ang mga tuhod nila sa lupa. Walang nakaligtas kabilang sa kanila na isa man mula sa kapahamakan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah