Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:77

فَعَقَرُوا النَّاقَةَ وَعَتَوْا عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ وَقَالُوا يَا صَالِحُ ائْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ

Kaya kinitil nila ang dumalagang kamelyo, nagpakapalalo sila sa utos ng Panginoon nila, at nagsabi sila: "O Ṣāliḥ, dalhin mo sa amin ang ipinangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga isinugo."

Tafsir

Kaya kinatay nila ang dumalagang kamelyo na sinaway sila na salingin ito ng pananakit, habang mga nagmamalaki laban sa pagsunod sa utos ni Allāh. Nagsabi sila habang mga nangungutya, habang mga nagtuturing ng kaimposiblehan ng ibinanta sa kanila ni Ṣāliḥ: "O Ṣāliḥ, magdala ka sa amin ng ibinanta mo sa amin na pagdurusang masakit, kung ikaw ay kabilang sa mga sugo ni Allāh sa totoo."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah