Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:75

قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِمَنْ آمَنَ مِنْهُمْ أَتَعْلَمُونَ أَنَّ صَالِحًا مُرْسَلٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلَ بِهِ مُؤْمِنُونَ

Nagsabi ang pamunuan na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya sa mga minamahina, sa mga sumampalataya kabilang sa mga ito: "Nalalaman ba ninyo na si Ṣāliḥ ay isang isinugo mula sa Panginoon niya?" Nagsabi ang mga ito: "Tunay na kami sa ipinasugo sa kanya ay mga mananampalataya."

Tafsir

Nagsabi ang mga pinapanginoon at ang mga pangulo – kabilang sa mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya – sa mga mananampalataya – kabilang sa mga kalipi niya na mga minamahina: "Nakaaalam ba kayo, O mga mananampalataya, na si Ṣāliḥ ay isang sugo ni Allāh sa totoo?" Kaya sumagot sa kanila ang mga mananampalatayang minamahina: "Tunay na kami sa ipinasugo kay Ṣāliḥ sa amin ay mga naniniwala, mga kumikilala, at mga nagpapaakay, at sa batas Niya mga nagsasagawa."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah