Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:74
وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ عَادٍ وَبَوَّأَكُمْ فِي الْأَرْضِ تَتَّخِذُونَ مِنْ سُهُولِهَا قُصُورًا وَتَنْحِتُونَ الْجِبَالَ بُيُوتًا ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ
Alalahanin ninyo noong ginawa Niya kayo na mga kahalili matapos ng [lipi ng] `Ād at pinatira Niya kayo sa lupain; gumagawa kayo sa mga kapatagan nito ng mga palasyo at lumililok kayo ng mga kabundukan na maging mga bahay. Kaya alalahanin ninyo ang mga biyaya ng Panginoon ninyo at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga nanggugulo."
Tafsir
Magsaalaala kayo ng biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo na humahalili sa lipi ng `Ād at nagpatuloy Siya sa inyo sa lupain ninyo, na nagtatamasa kayo rito at nagtatamo kayo ng mga hinihiling ninyo. Iyon ay nang matapos ng pagpapahamak sa [lipi ng] `Ād matapos ng paggigiit nila sa kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling. Nagpapatayo kayo sa mga kapatagan ng lupa ng mga palasyo at tumatapyas kayo ng mga bundok upang yumari ng mga bahay para sa inyo. Kaya mag-alaala kayo sa mga biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat kayo sa Kanya dahil sa mga iyon at tumigil kayo sa pagpupunyagi ng kaguluhan sa lupa. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtigil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtigil sa mga pagsuway.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah