Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:206
إِنَّ الَّذِينَ عِنْدَ رَبِّكَ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَيُسَبِّحُونَهُ وَلَهُ يَسْجُدُونَ ۩
Tunay na ang mga [anghel] sa piling ng Panginoon mo ay hindi nagmamalaki [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya, nagluluwalhati sa Kanya, at sa Kanya sila nagpapatirapa.
Tafsir
Tunay na ang mga nasa piling ng Panginoon mo, O Sugo, na mga anghel ay hindi nagmamataas [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – bagkus nagpapaakay doon habang mga nagpapakumbaba nang hindi nananamlay habang sila ay nagpapawalang-kapintasan kay Allāh sa gabi at araw sa anumang hindi naaangkop sa Kanya, at sa Kanya lamang nagpapatirapa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah