Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:205
وَاذْكُرْ رَبَّكَ فِي نَفْسِكَ تَضَرُّعًا وَخِيفَةً وَدُونَ الْجَهْرِ مِنَ الْقَوْلِ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ وَلَا تَكُنْ مِنَ الْغَافِلِينَ
Alalahanin mo ang Panginoon mo sa sarili mo nang may pagpapakumbaba at pangamba at walang kalakasan sa pagsasabi sa mga umaga at mga hapon, at huwag kang maging kabilang sa mga nakalilingat.
Tafsir
Alalahanin mo, O Sugo, si Allāh, ang Panginoon mo, habang nagpapakaaba na nagpapakumbaba na nangangamba. Gawin mo ang panalangin mo na katamtaman sa pagitan ng pagtataas ng tinig at pagbaba nito sa simula ng maghapon at katapusan nito dahil sa kainaman ng dalawang oras na ito. Huwag kang maging kabilang sa mga nalilingat sa pag-alaala kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah