Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:19
وَيَا آدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ فَكُلَا مِنْ حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ
O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso, at saka kumain kayong dalawa mula saanman ninyo loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito upang kayong dalawa ay [hindi] maging kabilang sa mga lumalabag sa katarungan."
Tafsir
Nagsabi si Allāh kay Adan: "O Adan, manahan ka at ang maybahay mong si Eva sa Paraiso, saka kumain kayong dalawa mula rito ng mga kaaya-aya na ninais ninyong dalawa, ngunit huwag kayong kumain mula sa punong-kahoy na ito (isang punong-kahoy na itinakda ni Allāh sa kanilang dalawa) sapagkat tunay na kayong dalawa, kung kumain kayong dalawa mula roon matapos ng pagsaway Ko sa inyong dalawa, ay magiging kabilang sa mga lumalampas sa mga hangganan Ko."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah