Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:18

قَالَ اخْرُجْ مِنْهَا مَذْءُومًا مَدْحُورًا ۖ لَمَنْ تَبِعَكَ مِنْهُمْ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنْكُمْ أَجْمَعِينَ

Nagsabi Siya: "Lumabas ka mula rito na nilalait na pinalalayas. Talagang ang sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila ay talagang pupunuin Ko nga ang Impiyerno kabilang sa inyong lahat.

Tafsir

Nagsabi si Allāh rito: "Lumabas ka, O Satanas, mula sa Paraiso nang pinupulaan na itinataboy mula sa awa Ko. Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno sa Araw ng Pagbangon mula sa iyo at mula sa bawat sinumang sumunod sa iyo, tumalima sa Iyo, at sumuway sa utos ng Panginoon nito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah