Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:148
وَاتَّخَذَ قَوْمُ مُوسَىٰ مِنْ بَعْدِهِ مِنْ حُلِيِّهِمْ عِجْلًا جَسَدًا لَهُ خُوَارٌ ۚ أَلَمْ يَرَوْا أَنَّهُ لَا يُكَلِّمُهُمْ وَلَا يَهْدِيهِمْ سَبِيلًا ۘ اتَّخَذُوهُ وَكَانُوا ظَالِمِينَ
Gumawa ang mga tao ni Moises, matapos [ng paglisan] niya, mula sa mga hiyas nila ng isang bulô na rebulto na may pag-unga. Hindi ba nila nakita na ito ay hindi nagsasalita sa kanila at hindi pumapatnubay sa kanila sa isang landas? Ginawa nila ito habang sila ay mga lumalabag sa katarungan.
Tafsir
Yumari ang mga tao ni Moises, nang matapos ng pag-alis niya para sa pakikipagniig sa Panginoon niya, mula sa mga hiyas nila ng isang estatuwa ng guya na walang kaluluwa rito ngunit may tinig para rito. Hindi ba sila nakaalam na ang guyang ito ay hindi nagsasalita sa kanila, hindi gumagabay sa kanila sa isang landas ng kabutihang pisikal o espirituwal, at hindi nagdudulot para sa kanila ng pakinabang o nag-aalis sa kanila ng kapinsalaan? Gumawa sila rito bilang sinasamba habang sila noon ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil doon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah