Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:147
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَلِقَاءِ الْآخِرَةِ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ ۚ هَلْ يُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at sa pakikipagtagpo sa Kabilang-buhay ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila. Walang gagantihan sa kanila kundi ang ginagawa nila noon.
Tafsir
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo Niya, at sa pakikipagkita sa Kanya sa Araw ng Pagbangon ay nawalang-saysay ang mga gawa nila na kabilang sa uri ng mga pagtalima. Kaya hindi sila gagantimpalaan sa mga iyon dahil sa pagkawala ng kundisyon ng mga iyon, ang pananampalataya, at hindi sila gagantihan sa Araw ng Pagkabuhay maliban sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya. Ang ganti roon ay ang pamamalagi sa Impiyerno.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah