Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:89
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ ۚ فَإِنْ يَكْفُرْ بِهَا هَٰؤُلَاءِ فَقَدْ وَكَّلْنَا بِهَا قَوْمًا لَيْسُوا بِهَا بِكَافِرِينَ
Ang mga iyon ay ang mga binigyan Namin ng kasulatan, dunong, at pagkapropeta, ngunit kung tatangging sumampalataya sa mga iyan ang mga [taong] ito ,ay ipagkakatiwala nga Namin ang mga iyan sa mga taong hindi mga tumatangging sumampalataya.
Tafsir
Ang mga propetang nabanggit na iyon ay ang mga binigyan Namin ng mga kasulatan, binigyan Namin ng karunungan, at binigyan Namin ng pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya ang mga kalipi mo sa ibinigay Namin sa mga iyon na tatlong ito, naglaan na Kami para sa mga iyan at nagtalaga Kami ng mga taong hindi mga tagatangging sumampalataya sa mga iyan. Bagkus sila ay mga mananampalatayang kumakapit sa mga iyan. Sila ay ang mga lumikas, ang mga tagaadya, at ang mga sumunod sa kanila ayon sa pamamagitan ng paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Paggagantimpala.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah