Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:88
ذَٰلِكَ هُدَى اللَّهِ يَهْدِي بِهِ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۚ وَلَوْ أَشْرَكُوا لَحَبِطَ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Iyon ay patnubay ni Allāh; pinapatnubayan Niya sa pamamagitan niyon ang sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang anumang ginagawa nila noon.
Tafsir
Ang nangyaring iyon sa kanila na pagtutuon ay pagtutuon ni Allāh; nagtutuon Siya roon ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya ay talaga sanang nawalang-saysay ang mga gawa nila dahil ang pagtatambal ay isang tagapawalang-saysay sa gawaing maayos.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah