Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:78

فَلَمَّا رَأَى الشَّمْسَ بَازِغَةً قَالَ هَٰذَا رَبِّي هَٰذَا أَكْبَرُ ۖ فَلَمَّا أَفَلَتْ قَالَ يَا قَوْمِ إِنِّي بَرِيءٌ مِمَّا تُشْرِكُونَ

Kaya noong nakita niya ang araw na lumilitaw ay nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko; ito ay higit na malaki;" ngunit noong lumubog ito ay nagsabi siya: "O mga kalipi ko, tunay na ako ay walang-kinalaman sa anumang itinatambal ninyo;

Tafsir

Kaya nang nakita niya ang araw na lumilitaw ay nagsabi siya: "Ang lumilitaw na ito ay Panginoon ko; ang lumilitaw na ito ay higit na malaki kaysa sa tala at kaysa sa buwan;" ngunit noong naglaho ito ay nagsabi siya: "O mga kalipi ko, tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo kasama kay Allāh;

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah