Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:77

فَلَمَّا رَأَى الْقَمَرَ بَازِغًا قَالَ هَٰذَا رَبِّي ۖ فَلَمَّا أَفَلَ قَالَ لَئِنْ لَمْ يَهْدِنِي رَبِّي لَأَكُونَنَّ مِنَ الْقَوْمِ الضَّالِّينَ

Kaya noong nakita niya ang buwan na lumilitaw ay nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong naglaho ito ay nagsabi siya: "Talagang kung hindi magpapatnubay sa akin ang Panginoon ko, talagang ako nga ay magiging kabilang sa mga taong naliligaw."

Tafsir

Nang nakita niya ang buwan na lumalabas ay nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong nawala ito ay nagsabi siya: "Talagang kung hindi magtutuon sa akin si Allāh sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang talagang ako nga ay magiging kabilang sa mga taong malayo sa Relihiyon Niyang totoo."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah